
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 06 ng ahensya, patuloy pa rin ang Kagawaran ng Pagsasaka (DA) sa pamimigay ng Food Pass sa mga negosyanteng nagdadala ng pagkain at produktong pang-agrikultura sa kabila ng enhance community quarantine sa Luozn.
Sa taya ng ahensya noong March 24, nakapamahagi na ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng 510 Food Pass sa buong rehiyon --- Oriental Mindoro – 106, Occidental Mindoro- 321, Palawan -65, Marinduque -14, at apat (4) sa Romblon.
Ang “food pass” ay ang pribilehiyong binibigay sa mga suplayer at mga trucker na pumupunta o dumadaan sa Metro Manila at sa iba pang rehiyon habang nakababa ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Ito ay upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagdating at galaw ng mga kargo, agriculture and fishery inputs, mga pagkain at mga agribusiness personnel sa buong Pilipinas.
Ito ay naging posible sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Philippine National Police (PNP).
Ang bawat “food pass” ay may iba’t ibang control number kaya naman ang bawat sasakyan na gagamitin sa pagbibiyahe ng pagkain at produktong pang-agrikultura ay kailangan naiparehistro sa tanggapan ng Kagawaran o kaya naman sa kanya-kanyang Muncipal Agriculture Office o maaari rin sa Provincial Agriculture Office.
Tanggapan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa iba’t ibang probinsiya:
Marinduque
Department of Agriculture Provincial Office Marinduque
Address: Provincial Capitol Compound, Bangbangalon, Boac, MarinduqueOccidental Mindoro
Department of Agriculture Provincial Office Occidental Mindoro
Address: Hidalgo Street, Poblacion, San Jose, Occidental MindoroOriental Mindoro
DA MIMAROPA Satellite Office
Address: 2nd floor, R. King Commercial Building, J.P. Rizal Street, Camilmil, Calapan City, Oriental MindoroPalawan
Palawan Research Experiment Station (PRES)
Address: Puerto Princesa South Road, Sta. Monica, Puerto Princesa City, PalawanRomblon
Department of Agriculture Provincial Office Romblon
Address: Provincial Extension Office, JP Rizal St, Tabing Dagat, Odiongan, Romblon.
O kaya sa ibang tanggapan sa ilalim ng Kagawaran kagaya ng Search Results Web result with site links Bureau of Plant Industry para sa mga gulay at halamang ugat, Bureau of Animal Industry para sa mga hayop, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa mga isda at iba pang halamang dagat, at Search Results Web result with site links National Meat Inspection Service naman para sa iba pang karne at mga frozen meat products.
Kinakailangan magsumite ng kopya ng Official Receipt of Registration and Certificate of Registration (OR/CR) ng sasakyan, Business Permit at mga napunan na mga form tulad ng Food Lane Accreditation Application Form (Form A) at Foodlane Reference Form (Form B and “Statement of Commitment” (Form C).
Maaaring i-dowload ang mga form mula sa link na ito: https://bit.ly/3aYJkBQ at maaari ring ipadala ang mga dokumento sa: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. upang maiwasan ang pakikisalamuha sa ibang tao.
Para sa mga nagsumite online, ang food pass ay maaaring makuha sa mga opisina ng DA o kaya ipapadala sa inyong tahanan gamit ang mga courier sa sariling gastos ng aplikante. Maaari rin i-print ang PDF ng food pass na ipinadala sa kanilang email address. (PR)


