Regional campaign para sa proyektong DOE E-Power, inilunsad sa Marinduque

Written by Philippine Information Agency

Ang mga mag-aaral ng Grade 7 hanggang 10 mula sa Bangbang National High School kasama ang kanilang mga guro habang pinapanuod ang puppet show sa Bangbang Barangay Hall. (Adrian D. Sto. Domingo, PIA Marinduque)Ang mga mag-aaral ng Grade 7 hanggang 10 mula sa Bangbang National High School kasama ang kanilang mga guro habang pinapanuod ang puppet show sa Bangbang Barangay Hall. (Adrian D. Sto. Domingo, PIA Marinduque)

Isinagawa sa paaralan ng Bangbang National High School (BNHS) ang serye ng kampanya ng Philippine Information Agency (PIA) – Mimaropa para sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa programa ng Department of Energy (DOE) na ‘E-Power Mo’.

Ang programang E-Power Mo ay naglalayong magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mabilis na pag-unlad ng sektor ng enerhiya at wastong paggamit ng kuryente.

Sa kampanyang naganap sa BNHS, nagkaroon ng diskusyon tungkol sa tamang pagkonsumo ng kuryente, sa pamamagitan ng puppet show presentation ng pangkat ng PIA Communications Group.

Sa isinagawang puppet show, nagkaroon ng pagkakataon ang mga partisipante, na kinabibilangan ng mga estudyanteng mula Grade 7-10, na lumahok sa interactive activities patungkol sa ipinalabas na DOE E-Power Mo informercials.

Ang susunod na puppet road show ay gagawin naman sa Tanza Elementary School at Marinduque State College-Laboratory School. (Adrian D. Sto. Domingo, PIA-Mimaropa)