by Lyle Formilleza, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

“Malay natin sa Romblon na manggaling ang gamot laban sa breast cancer – DOST” Iyan ang mga katagang binitawan sa Closing and Awarding Ceremony ng naturang ahensiya sa katatapos lang na Regional Invention Contest and Exhibit sa City Coliseum sa Lunsod ng Puerto Prinsesa noong Aug. 17 – 19, 2015.
Magkahalong emosyon ang naramdaman nina Jacinth Pearl D. Fradejas at Henley F. Galiga, Thesis Adviser ng naturang grupo, matapos tanghaling 1st runner-up sa Creative Research (College level) ng Regional Invetion Contest and Exhibit ang kanilang entry na “Cytotoxic Activity of Miracle Vine Ethanolic Crude Extract Against Human Breast Adenocainoma Cell Line (MCF – 7) Using MTT Assay”
Ayon sa kanila, kahit hind nila nasungkit ang unang gantimpala upang maging kinatawan ng Region IV – B sa National Invention Contest and Exhibit na gaganapin sa susunod na taon ay masaya naman sila at itinuturing itong blessing in disguise para sa grupo upang mapalalim muli ang pag-aaral sa naturang halamang ugat.
Sa ngayon, plano ng kanilang grupo na mas palawakin pa ang sakop ng kanilang pananaliksik at paghanap ng iba pang ahensiya na susuporta sa kanilang magandang adhikain upang mabawasan ang gastos at bawasan ang mga side effects ng mga synthetic drug na binebenta sa mercado.

