PNP-MIMAROPA naghahanap ng dagdag na tauhan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

Naghahanap ng mga bagong tauhan ang Regional Office Philippine National Police - MIMAROPA para punan ang mga bakanteng pwesto.

Ayon sa memorandum na permado ni Police Superintendent Kirby John Kraft, OIC ng Regional Persnal and Human Resource Development Division ng PNP MIMAROPA, kailangan nila ng mga lalakeng aplikante para ilagay sa Public Safety Forces (PSF) at sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO).

Aabot ng 112 na bagong pulis ang kailangan ng PNP.

Para sa mga gustong mag apply maari kayong magpasa ng mga requirments sa Romblon Provincial Police Office sa Romblon, Romblon.