by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015
Naghahanap ng mga matatapang na babae at lalake ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA para sumali sa pagsugpo ng druga sa rehiyon.
Ayon kay Grace Lano, information officer ng PDEA-MIMAROPA, tumatanggap na ng aplikasyon ang opisina para sa mga gustong maging agents.
500 na bagong agents umano ang hinahanap ng opisina.
Para sa mga gustong mag apply dapat kayo ay 21 to 35 years old, college graduate, civil service board passer, at may taas na 5'3" para sa lalake at 5' para sa babae.
Maaring mag pasa ang mga interesadong aplikante sa mga opisina ng PDEA sa buong region 4b.
Ang makakapasa sa screening at written exam ay ipapadala sa PDEA Academy sa Silang, Cavite para sa 6-month paid training.
Naghahanap din ang PDEA ng mga lawyers, chemists and acountants para punan ang 127 na pwesto bilang administrative and technical personnel.



