Pag-uulan nararanasan sa Romblon dahil sa Low Pressure Area

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Halos anim na oras na ang katatamtaman hanggang sa malakas na pag-uulan ang nararanasn sa halos buong probinsya ng Romblon ngayong araw.

Sa bayan ng Odiongan, Romblon; may katamtamang pag-uulan ang nararanasan simula pa kaninang alas-7 ng umaga. Basa rin ang mga kalsada sa lugar kaya pinag-iingat ang mga motoristang bumabiyahe.

Patuloy namang naka antabay ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at mga DRRM sa bawat munisipyo.

Pinag-iingat nila ang mga nasa landslide area sa maaring dulot ng patuloy na pag-uulan.

Ang pag-uulan ay sanhi ng bagyong #CrisingPH na ngayon ay isa nalang Low Pressure Area (LPA).