May inaalok na pagkakataon ang Department of Social Welfare and Development-Mimaropa (DSWD-Mimaropa) para makatulong sa mga naghahanap ng trabaho, lalo na sa mga kababayang nabibilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Kailangan ng DSWD-Mimaropa ng may 285 enumerators para sa gaganaping Social Welfare and Development Indicators Assessment sa buong rehiyon.
Umabot sa 199,788 ang bilang ng mga pamilyang naka-enroll sa 4PS. Pangunahing tungkulin ng mga enumerator ay makakuha ng impormasyon sa mga kakapanayaming pamilya gamit ang SWDI form. Ang makakalap na impormasyon ay gagamitin sa pagsusuri ng kalagaya ng mga benepisyaryo ng 4Ps.
Ang mga enumerator na magtratrabaho sa mga liblib na lugar, na tinukoy bilang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas or (GIDA), ay tatanggap ng Php 80 kada isang form na masasagutan; kalahati o Php 40 kada isang form naman para sa mga maglilingkod sa lugar na hindi GIDA.
Ang hinahanap na aplikante ay dapat nakatapos ng dalawang taon sa kolehiyo, may karanasan sa household assessment o pag-su-survey, malakas ang pangangatawan at handang magpadala sa mga malalayong lugar sa Mimaropa.
Maaring ipadala ang aplikasyon bilang e-mail sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o kaya ay ihatid sa Pantawid Pamilya Office sa munisipiyo o kaya sa Social Welfare and Development Team Office ng lalawigan.
Tawagan ang DSWD-Mimaropa Regional Office sa (02) 336-8106 local 208 para sa detalye.
Article first posted at http://news.pia.gov.ph/article/view/521439290804/tagalog-news-285-enumerators-trabahong-alok-ng-dswd-mimaropa


