by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, July 23, 2015

Muling hinikayat ni Pangulong Aquino ang mga Pilipino na piliin ng mabuti ang pinunong iboboto sa paparating na halalan sa 2016 at huwag magpapadala sa puro mga pangako.
"Piliin nyo ang pinunong totoo sa inyo. Hindi sinumang magbibitiw ng pangakong walang laman,” ayon sa Pangulo ng magbigay ng mensahe sa ground breaking ng rehabilitation ng Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon sa Pangulo, piliin ang ang magsisilbi ng totoo sa taumbayan hindi yung nagbibitiw lang ng mga pahayag at mga pangakong walang laman.
Nais ng pangulo na ang susunod na maging pangulo ng Pilipinas na papalit sa kanya ay ipagpapatuloy ang sinimulang tuwid na daan.
Nasa Bulacan ang pangulo upang tingnan ang inspeksyunin at maabisuhan ukol sa pagpapatibay ng Angat Dam.
Target ng proyekto na iangat ng 1.2 metro ang clay na bahagi ng dam upang mapatibay ito sa harap na rin ng banta ng malakas na pagyanig na idudulot ng paggalaw ng West Valley Fault.



