Climate Reality Project Philippines hinikayat ang Gobyerno na bawasan ang paggamit ng coal-fired power plants

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, July 22, 2015

Photo provided by the Philippines Office of Civil Defense in Region VI

Kasunod ng pagkamatay ng 9 na minero sa Semirara, hinikayat ng non-profit environmental group na Climate Reality Project Philippines ang gobyerno na bawasan o di kaya ay tigilan na ang paggamit ng mga coal mines at coal-fired power plants bilang source ng enerhiya.

“This is the cost of carbon. While the climate has been out of pattern and inconsistently changing due to the throwing away of carbon dioxide into the atmosphere, down below we are killing the Earth and its people. This is double murder,” ayon sa pahayag ng Climate Reality Project Philippines sa kanilang Facebook Account.

Nagbabala rin ang grupo na mas maraming buhay at kabuhayan pa ang mawawala sa tuloy-tuloy na pagmimina nito.

Dagdag pa ng grupo, baka maging kahiya hiya ang Pilipinas sa gaganapin na climate agreement session sa susunod buwan sa Paris, dahil sa patuloy na pagdepende ng bansa sa mga coal mines at coal-fired power plants.

"Are we proud to submit our own INDC while we continue to open more coal mines and coal fired power plants? Such must be a lame and pathetic submission then," pahayag pa ng grupo.

"Genuine climate action is not only about reducing emissions but also addressing the risks and hazards brought about by the causes and effects of climate crisis." dagdag ng grupo.

Binigyang pansin rin ng grupo na ang nangyaring aksidente sa Semirara ay isang buwan matapos na mailabas ang 'Laudato Si' ni Roman Catholic Pope Francis na pinansin ng iba't ibang grupo sa buong mundo. Hinikayat rin ng grupo ang Gobyerno na huwag mag bulag-bulagan na ang nangyaring trahedya sa Semirara ay dahilan ng coal industry na sumampal ng malaki sa hitsura ng kalikasan.