Cabotage Law at Philippine Competition Act nilagdaan na ni Pangulong Aquino

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, July 22, 2015

(President Aquino signs into law RA No. 10667 or the Philippine Competition Act and the Amendments to the Cabotage Law at the Rizal Hall of the Malacañan Palace. | Photo: Malacañang Photo Bureau)

Nilagdaan na nga ni Pangulong Aquino kahapon ang dalawang batas na Philippine Competition Act at ang amyenda sa Cabotage Law.

Sa ilalim ng amyenda ng Cabotage Law ay magiging mababa ang mga gastusin sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto sa pamamagitan ng barko dahil makakapili na ang mga negosyante ng gusto nilang pantalan.

Ayon sa kay PNoy, halimbawa nalamang sa pagpapadala ng produkto galing sa Cagayan de Oro patungong Hong Kong, hindi na kailangan pang idaan ang mga produkto sa Manila kung saan ganun ang unang kalarakan.

Binigyang-diin rin ni PNoy na maglalabasan ang mga dekalidad na produkto dahil sa pagkakaroon ng kumpetisyon sa merkado.

Malaking bagay rin umano ang Philippine Competition Act dahil maiiwasan nito ang manipulasyon sa presyo, cartel at kutsabahan ng mga tusong negosyante.

Makakaengganyo rin ito ng mga investors at mapapalakas ang kalakalan ng bansa.