
Sinuspinde ng Malakanyang simula alas-3 ng hapon ngayong November 11 hanggang November 12 ang pasok sa trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan sa Mimaropa at sa ibang rehiyon dahil sa banta ng bagyong Ulysses.
Kabilang rito ang probinsya ng Romblon na kasalukuyang nasa tropical cyclone wind signal #1.
Kasama ng Mimaropa rito ang Regions II, III, Calabarzon, V, Cordillera Adminitrative Region at ang National Capital Region.
Samantala, ang mga ahensya ng gobyerno na maghahatid ng basic at health services, mga may kinalaman sa disaster at calamities preparedness ay kailangang pumasok para mapaghandaan ang bagyo.
Ang mga pribadong opisina ay binibigyan rin ng pamahalaan ng discretion kung mag sususpinde rin sila ng pasok.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang bagyong Ulysses sa layong 95 km Northeast ng Daet, Camarines Norte at tinatahak ang Westward direction sa bilis na 20 km/h taglay ang lakas na 135 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 165 km/h.
Signal #3 ang pinakamataas na babala ng bagyo na inilabas ng Pagasa.



