Duterte raised 'Code Red Sublevel 2' in PH due to Covid-19

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alert level code ng 2019 coronavirus disease o COVID-19 sa bansa mula Code Red Sublevel 1 patungo sa Sublevel 2.

Ang nasabing desisyon ay base sa napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong ngayong araw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi.

Ibig sabihin, may ibedensya na ng community transmission ng COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa.

Matatandaang itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code Red Sublevel 1 noong Sabado kasunod ng naiulat ang kauna-unahang local transmission ng 2019 coronavirus disease sa bansa.

Simula March 15, ipagbabawal na rin ang land, domestic air at domestic sea travel papasok at palabas ng Metro Manila.

Sa ngayon, aabot na sa 52 ang kasong naitala ng DOH sa bansa kung saan 5 rito ang namatay.