Nagpakuha ng souvenir photo si Jasper Concepcion Faeldonia (kanan) kay Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo Fabic sa isang courtesy call bago tumungo ng Singapore. Si Mayor Trina ang sumusuporta sa kampanya ni Jasper sa international quest gaya ng Asian Universities Chess Championship, ASEAN Age group chess championship at Singapore 35th national age group. | Courtesy: Marlon Bernardino
Naiuwi ng batang chess wizard ng Pilipinas na si Jasper Concepcion Faeldonia ang silver na medalya sa katatapos lang na 35th Singapore’s National Age Group Chess Championships na ginanap sa Kallang Theater, 1Stadium walk sa Singapore noong Disyembre 27 hanggang 30, 2018.
Ayon sa report, si Faeldonia, grade 8 student ng Arellano University at tubong Odiongan, Romblon ay kinapos sa kanyang laban matapos kapusin ng puntos sa Boys Under-14 category.
Isa sa mga tumatak na laban ni Faeldonia sa kompetisyon ay ang pagtalo nito sa 8th seed na si Zeen Hunn Lim (1381) ng Singapore sa loob lamang ng 36 moves.
Nagbubunyi naman ang mga kababayan ni Faeldonia sa Odiongan dahil sa kanyang naiwuing karangalan bago matapos ang taong 2018.
Samantala, pinasasalamatan naman ni Faeldonia ang kanyang coach na si National Master Rudy Ibanez at ang sumuporta sa kanya para makarating sa Singapore na si Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.



