Duterte, hindi tatakbo sa pagka-presidente sa 2016

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 07 September 2015

Photo Courtesy: PhilStar

"I am not running." 

Yan ang inanunsyo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ginanap na 14-minute press conference nitong Lunes matapos ang matagal na paghihintay ng kanyang mga taga suporta sa maaring planto sa 2016 National Election.

Sinabi ni Mayor Duterte sa kanyang mga taga suporta na dumating na ang panahon para sa kanyang desisyon matapos niyang konsultahin ang kanyang pamilya. Hindi lingid sa karamihan na ayaw ng kanyang anak na si Sara, dating Mayor ng Davao, na hindi siya pabor sa pagtakbo bilang presidente ng kanyang ama.

"After consulting my family and everybody else connected to my life, I would like to categorically state now and also for the agony of those waiting for those who believe in me: hindi ako tatakbo pagkapresidente," ayon kay Mayor Duterte.

"Wala ako ambisyon in 2016. May usapan kami ni Inday Sara, pero hindi pa buo, na I'm asking her to run for mayorship. In 2016, I will retire from public life for good. I believe it's no longer my time to be in politics," dagdag niya.

Humingi rin ng tawad si Duterte sa kanyang mga taga suporta at mga kaibigan.

Naluluha si Duterte at hindi na sinagot ang mga tanong ng mga taga-media.