Romblon to host Batang Pinoy Visayas this year

by Ian Kay Faa, RomblonNews | Monday, 06 July 2015

Aabot ng isang libong manlalaro ng Visayas na may edad na 15-taong gulang pababa ang tutungo ng Romblon ngayong August 23-28 para sa 2015 Batang Pinoy Visayas Qualifying Leg.

Ang Philippine Youth Games-Batang Pinoy ay alinsunod sa Executive ORder No. 44 kung saan naglalayon na makadiskobre ng mga magagaling na batang manlalaro sa buong Pilipinas.

Ayon sa Philippine Sports Commision na naglabas ng schedule ng mga laro ngayong taon.

Gaganapin ang Luzon Qualifying Leg sa Bulacan ngayong July 17-22; habang ang Mindanao Qualifying leg naman ay sa Koronadal sa October 24-29, at ang National Finals ay gaganapin sa Cebu sa November 27-December 02.

Ayon pa sa PSC, ang nasabing palaro ay para mahasa ang pagkakaroon ng patriotism, nationalism, self-disciline, respect for law and order, hard work, teamwork, camaraderie, sportsmanship at ang tinatawag na fair play.

Hindi rin maiaalis ang tunay na rason ng laro ay ang makahanap ng mga manlalaro na ilalaban sa ibang bansa sa mga International Competition.

Ang palarong 2015 Batang Pinoy ay pinangunahan ng Philippine Sports Commision, sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympic Committee, Department of Interior and Local Government, Department of Education at mga Local Government Units.