by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | 06 July 2015

Tatlong lugar sa Northern Luzon ang nasa Storm Signal No. 2 parin hanggang sa ngayon habang papalayo ang bagyong Egay sa bansa, ayon sa 11AM weather bulletin ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, humina na ang bagyong Egay at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsiblity (PAR) sa Huwebes ng gabi.
Nakataas ang Public Storm Warning Signal #2 sa mga lugar ng:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Abra
Signal number 1 naman sa:
- Batanes
- Calayan and Babuyan Islands
- Northwest Cagayan
- Apayao
- Kalinga
- Mt. Province
- La Union
- Benguet
Paalala ng PAGASA, maging alerto sa flash floods and landslides ang mga lugar na under storm signal kasama na ang Northern Luzon, Central Luzon, Metro Manila, MIMAROPA, at CALABARZON.
Samantala, pinag-iingat rin ng PAGASA ang mga maliliit na bangka na iwasan munang maglayag sa mga karagatan ng Luzon.
Paul Jaysent Fos, is the Founding Editor of Romblon News Network



