by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 06 July 2015

Napanatili ng Bagyong Egay ang kanyang lakas habang lumalayo sa kalupaan ng Northern Luzon, ayon sa 11PM weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Huling namataan ang mata ng bagyo, 125 kms southwest ng Laoag City, Ilocos Norte, taglay ang bilis nitong 9kph.
Ang nasabing bagyo ay may lakas na hangin na 85kph malapit sa gitna.
Nakataas parin ang Public Storm Warning Signal #2 sa mga lugar ng:
- Batanes
- Cagayan including Calayan and Babuyan Islands
- Apayao
- Kalinga
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Abra
Signal number 1 naman sa:
- Pangasinan
- Isabela
- Benguet
- La Union
- Mountain Province
- Ifugao
Paalala ni Aurelio, maging alerto sa flash floods and landslides ang mga lugar na under storm signal kasama na ang Metro Manila, Calabarzon, and Mimaropa dahil naman sa hanging habagat na pinalakas pa ni Egay.
Samantala, pinag-iingat rin ng PAGASA ang mga maliliit na bangka na iwasan munang maglayag sa mga karagatan ng Luzon at Visayas.



