Bagyong Egay humina na, 7 lugar pasok parin sa Signal 2

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | 05 July 2015

Matapos na mag landfall sa Northern Luzon, humina ang Tropical Storm Egay (Linfa) habang tinatahak ang kalupaan ng Ilocos Norte, ito ay ayon kay PAGASA forecaster Aldczar Aurelio.

Sabi ni Aurelio, namataan ng PAGASA ang Bagyong Egay, alas-4 ngayong hapon, sa 55km west-southwest ng Laoag, Ilocos Norte. Taglay parin ni Egay ang lakas ng hangin na 85kph at gust wind na 100kph.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Egay sa Miyerkules.

Habang nasa loob parin ng PAR ang nasabing bagyo, nakataas parin ang storm signal number 2 sa mga lugar ng:

  • Batanes
  • Cagayan including Calayan and Babuyan Islands
  • Apayao
  • Kalinga
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Abra

Signal number 1 naman sa:

  • Pangasinan
  • Isabla
  • Benguet
  • La Union
  • Mountain Province
  • Ifugao

Paalala ni Aurelio, maging alerto sa flash floods and landslides ang mga lugar na under storm signal kasama na ang Metro Manila, Calabarzon, and Mimaropa dahil naman sa hanging habagat na pinalakas pa ni Egay.

Samantala, pinag-iingat rin ng PAGASA ang mga maliliit na bangka na iwasan munang maglayag sa mga karagatan ng Luzon at Visayas.

 

jaysentPaul Jaysent Fos, is the Founding Editor of Romblon News Network