by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, August 15, 2015

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang paghahanap ng mga bidders sa pagsasaayos ng BRP Romblon (SAR3503).
Ayon sa Philippine Coast Guard, maglalaan umano sila ng Php3,495,067.23 para sa starboard auxiliary engines ng BRP-Romblon.
Sa inilabas na artikulo ng AngMalaya.Net, ang mananalong bidder ay inaatasang mag deliver ng mga gamit sa loob ng 45 days.
Ang BRP-Romblon ay 35-meter, all-aluminum patrol boat ng Philippine Coast Guard na dinesyo ng Tenix Shipbuilding sa Australia.
Magsisimula ang bidding sa September 01, 9am sa Philippine Coast Guard Conference Room, 2F Admin Building, 139 25th Street, Port Area, Manila.



