by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 02 August 2015
Nawalan ng mahigit P130,000 at iba pang importanteng dukomento pagbaba ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules.
Ayon kay John Michael Fabello, itinago niya ang kanyang pera at mga mahahalagang dokumento sa pouch na inilagay naman sa loob ng kanyang backpack. Kasama sa mga importanteng dokumento ay ang passbook, overseas employment certificate at exit pass.
Inilagay niya umano ang backpack sa kanyang kinuhang cart at iniwang sandali habang nag-aantay sa iba pa niyang bagahe. Halos 1 metro lang ang layo ang kinuha niyang cart sa kanya kaya hindi niya inisip na mawawala ito.
Napansin niya lang na nawala ang laman ng bag noong nakarating na siya ng kanilang bahay.
Nitong Huwebes, bumalik si Fabello sa NAIA para kausapin ang pamunuan ng paliparan. Nag request rin siya upang matingnan muli ang closed-circuit television camera footage ng carousel are noong oras na iyon ngunit sinabihan siya na wala umanong kuha noong oras na iyon dahil sa isinagawang maintenance.
Ayon kay Fabello, lahat ng dinaanan niya noong nasa NAIA siya ay hindi umaandar umano noong mga oras na iyon.



