Pangulong Aquino sa kanyang huling SONA | Photo: Malacañang Photo Bureau
Paninisi parin ang ginawa ni Pangulong Benigno Aquino III kahit sa kanyang huling State of the Nation Address sa Batasang Pambansa nitong Lunes, July 27.
Sinisi ni Pangulong Aquino ang mga maling iniwan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bago umupo si PNoy sa pwesto.
Binigyang pansin isa-isa ni Pangulong Aquino ang mga sinolusyunang problema na minana pa kay Mrs. Arroyo.
“Dinatnan natin ang taumbayang namanhid na sa walang humpay na alegasyon ng kasinungalingan, pandaraya, at pagnanakaw. Ipinagmalaki sa atin, sapat na raw ang mga classroom, ‘yun pala umaabot sa apat na shift ang mga klase: may pumapasok na madilim pa, at may umuuwing madilim na, pero lahat sila naiwan sa dilim dahil hindi sapat ang oras ng pag-aaral. Uninterrupted growth ang ibinida ng ating sinundan sa kanyang huling SONA, pero nang suriin po, malaking bahagi pala nito ay galing sa remittances ng mga taong nawalan ng pag-asa sa Pilipinas. Ika nga po, ‘people were voting with their feet,” wika pa ni Aquino.



