by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, July 23, 2015

Pinagiisipang muli ni Senador Miriam Santiago na tumakbo bilang pagka-presidente sa susunod na taon.
Ikinatuwa rin ni Santiago na pumangalawa siya sa survey ng Publicus Asia na kung saan pumangalawa siya kay Senador Grace Poe sa pagka-presidente; sinundan ito nina Vice President Jejomar Binay, Senador Francis Escudero, Davao Mayor Rodolfo Duterte at DILG Sec. Mar Roxas.
Ibinalita rin ni Santiago na kontrolado na ang kanyang sakit na kanser katunayan nakapag post pa nga si Santiago sa kanyang Facebook Page na nakakapag-exercise na ito sa pamamagitan ng paglalakad ng dalawang kilometro araw-araw.
Ayon kay Santiago, masaya siya dahil sa dalawang mahalagang nangyari sa buhay niya, isa na rito ang pag konsulta niya sa nangungunang lung cancer specialist sa buong mundo at ang pagkakasama sa top three presidential candidates ng Publicus Asia.
Sumailalim umano si Santiago sa treatment sa isang kilalang medical oncologist na si Dr. Mark Kris sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa New York.
Ayon umano kay Kris, bagaman at wala pang pasyente na masasabing gumagaling talaga sa cancer, nakontrol naman umano ang cancer ni Santiago sa kanyang kaliwang baga.
Una ng tumakbong presidente si Santiago noong 1992 pero natalo ito ni dating Pangulong Fidel Ramos.



