Pila ng mga botante sa Calatrava Elem. School, marami parin

Written by Che Che Factor | Romblon News

Marami parin ang mga botanteng nakapila para makaboto sa isang paaralan sa bayan ng Calatrava, Romblon.

Sa Calatrava Elementary School sa Poblacion, kung saan inaasahang boboto si dating Calatrava Mayor Robert Fabella, may mga botante paring nakapila sa pathway papasok ng kanilang mga presinto.

Wala pa namang naitatalang problema sa paaralan patungkol sa botohan.

Nakaantabay naman ang mga kapulisan sa labas ng paaralan para tumulong sa mga residenteng mangangailangan ng tulong.