Ilang senior citizen, hindi nagpapigil na makaboto

Written by Renand Pastor | Romblon News

Hindi nagpapigil na makaboto ang ilang senior citizens ng Barangay Concepcion Sur sa bayan ng Santa Maria, Romblon ngayong eleksyon.

Ang ilang matanda, inalalayan ng kanilang mga kamag-anak para lang makalakad patungo sa mga paaralan at makapag-shade ng balota.

Inaasahang magtatagal ang pagboboto ng kandidato hanggang alas-6 ng gabi mamaya.