Samira Gutoc nangampanya sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sa bayan ng Odiongan sa probinsya ng Romblon nangampanya ngayong araw, April 12, ang pambato ng Otso Diretso sa pagka-Senador na si Samira Gutoc.

Alas-7 palang ng umaga ay tumungo na si Gutoc sa Odiongan Public Market para mangampanya pagkatapos nitoy nakipagpulong sa mga Christian & Muslim leaders sa bayan.

Kasama ni Gutoc na nag-ikot ang mga representative nina incumbent Sen. Bam Aquino, at ni Pilo Hilbay. Kasama rin ni Gutoc na nag-ikot ang mga kandidato ng Liberal Party sa Odiongan.