Rep. Madrona, bumuto pabor sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Courtesy: ABS-CBNCourtesy: ABS-CBN

Bumuto pabor sa hindi pagbibigay ng panibagong prangkisa sa TV Network Giant na ABS-CBN si Romblon Congressman Eleandro Madrona, batay sa lumabas na report sa iba't ibang pahayagan sa nasyonal nitong Biyernes.

Batay sa mga ulat, si Madrona at ang 69 pa na mga kongresista ay bumuto pabor sa rekomendasyon ng Committee on Legislative Franchises na huwag bigyan ng panibaong 25-taong prangkisa ang nabanggit na network giant matapos ang 13 na committee hearings.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang kongresista sa RNN kaugnay sa kanyang boto.