Screengrab from GMANTV/NewsToGo
Dumating na kagabi sa Maynila ang labi ng nasawing si Second Seaman Jaypee Galicha sa pagsabog sa Mt. Carmel Church sa Jolo, Sulu noong Linggo na ikinasawi ng mahigit 20 katao.
Sinalubong si Galicha ng kanyang pamilya, kasama ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at ang mga K9 dogs na inilagaan ni Galicha noong nabubuhay pa ito.
Ikinabigla umano ng pamilya ni Galicha ang kanyang pagkamatay, ayon kay SPO1 Nathaniel Galicha, kapatid ni Jaypee , kahit sino pa umano ay talaga magsho-shock dahil bunso nila si Galicha. Bago mamatay ang magulang nina Nathaniel at Jaypee Galicha, ibinilin na umano ito ng kanyang mga magulang sa kanyang mga kapatid dahil baby umano nila ito.
Ibuburol sa Parola Compound ng PCG ang labi ni Galicha bago ito iuwi ng San Agustin, Romblon kung saan siya ililbing katabi ng kanyang mga magulang.



