by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 11 December 2015

Makakaranas ng halos apat na oras na brownout ang mga munisipalidad at barangay sa silangang bahagi ng Tablas Island dahil sa isasagawang pagpapalit ng cut-out sa Barangay Agpudlos sa San Andres at sa Barangay Panique sa Odiongan sa araw ng Sabado, December 12.
Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, mawawalan ng kuryente ang Barangay Gabawan, Tumingad, Libertad, Tuburan at Panique sa Odiongan simula 8:30 hanggang 9:30 ng umaga habang sa bayan naman ng San Andres, Calatrava, at mga barangay sa San Agustin maliban sa Barangay Lusong, Buli, Camantaya, at Bachawan ay magsisimula 8:30 hanggang 11:00 ng umaga.
Patuloy naman ang paghingi ng paumanhin ang pamunuan ng TIELCO dahil sa paparating na power interruption.



