
Dahil kay bagyong Usman, kinansela na ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga barkong biyaheng Odiongan, at Romblon galing Batangas at pabalik ngayong araw, December 27.
Hindi na pinayagang bigyan ng ticket ang mga pasaherong nasa Batangas Port na biyaheng Odiongan sana mamayang alas-5 ng hapon kasunod ng pagkakabilang ng Romblon sa mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Signal No. 1.
Nag-anunsyo na rin ang Navios Shipping Lines, Inc. na wala na silang biyahe bukas, Biyernes, December 28 patungong Romblon at Sibuyan galing Batangas.
Paalala ng Philippine Coast Guard, at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huwag muna pumalaot ang mga mangingisdang naghahanap buhay para makaiwas sa anumang sakuna sa dagat.



