2018 Christmas Message: Vice Governor Jose Riano

Written by Romblon News

Nais kong batiin kayong lahat, mga minamahal kong Romblomanon, ng isang mapagpala at masaganang Pasko. Nawa’y ang pagmamahal at kapayapaan ng Panginoon ay mananatili sa ating lahat habang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng ating tagapagligtas at Anak ng Diyos na si Hesukristo.

May the Christmas’ spirit live within our hearts, not just today, but everyday. Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang magmahalan tayo sa pamamagitan ng pagbigay ng tulong sa mga nangangailangan at kaginhawaan sa mga mahihina ng walang hinihinging kapalit.

Mamuhay tayong hindi materyal na bagay ang hangad, bagkus ay ang buhay na walang hanggan. Walang masama ang magnais ng higit sa kung ano ang meron tayo dahil iyon ay normal bilang tao. Ang mahalaga ay marunong tayong matuwa at magpasalamat sa kung ano ang meron tayo sa kasalukuyan.

Ang nais ko lang para sa lahat ngayong Pasko ay gumawa at maging mabuti. Magkaisa tayong lahat para sa pag-angat pa ng minamahal nating Probinsya. ONE People, ONE Government, ONE Romblon!