Mayor Ramos files COC for re-election

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Nikki Angelie Royo RamosPhoto Courtesy: Nikki Angelie Royo Ramos

Kumpirmadong muling tatakbo sa pagka-Mayor ng Cajidiocan si Incumbent Mayor Nicasio Ramos matapos na maghain ito ng certificate of candidacy (coc) sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Cajidiocan nitong Lunes, October 15.

Kasamang naghain ng COC ni Ramos si incumbent Kenyo Rabino na tatakbo namang Vice Mayor ng kanilang grupo. Nag-file rin kahapon ang kanyang mga konsehal kabilang na ang kanyang anak na ni Ramos na si Atty. Marvin Greggy Ramos at iba pa nitong kapartido.

Wala pang ibang nag aanunsyo na tatakbo sa pagka-alkalde ng Cajidiocan.