
Kanselado ngayong hapon ang lahat ng biyahe ng barko na paalis ng Odiongan patungong Batangas at pabalik dahil sa posibleng epekto ng bagyong Ompong na patuloy na lumalapit sa kalupaan ng Pilipinas.
Sa isang advisory ng Montenegro Shipping Lines Inc., sinabi nila na pansamantalang wala na muna umanong biyahe ngayong hapon at abangan nalang ang announcement kung kelan babalik sa normal na operasyon ang kanilang biyahe.
Sa pinakahuling taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan nila ang bagyong Ompong sa layong 725 km East ng bayan ng Virac, Catanduanes.



