Ginang patay matapos mahulog sa mabatong bahagi ng tabing dagat sa Santa Maria

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 30 January 2016

Namatay ang isang matandang babae sa bayan ng Santa Maria matapos na mahulog sa mabatong bahagi ng tabin-dagat sa Sitio Bil-at sa Barangay Concepcion Norte kaninang umaga.

Ayon sa Santa Maria Municipal Police Station, tatlong araw na umanong nawawala ang babaeng nakilalang si Mina Ramirez at maaring hindi nakauwi dahil sa sakit nito sa pag-iisip.

Buhay pa umano ang babae nang iuwi ng kanyang mga anak nang makita sa mabatong bahagi ng tabin-dagat sa Sitio Bil-at, ngunit makalipas ang ilang oras ay pumanaw rin dahil sa malubhang tama sa tagiliran dahil sa pagkakahulog sa bato.

Wala namang nakikitang foul play ang kapulisan sa nangyari.