Santa Maria VM wins multicab from Vice Mayor League's raffle draw

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Santa Maria Vice Mayor Lorilie Fetalino Manito-FabonPhoto Courtesy: Santa Maria Vice Mayor Lorilie Fetalino Manito-Fabon

sang multicab ang maiuuwi ni Santa Maria Vice Mayor Lorilie Fetalino Manito-Fabon matapos maswerteng pagkalooban ng Vice Mayor League of the Philippines (VMLP) sa ginanap na VMLP Mimaropa Regional Meeting sa Century Park Hotel sa Manila.

Sa litratong ibinahagi ni Vice Mayor Fabon sa kanyang Facebook account, makikitang si Vice Mayor Donnabel Joy F. Mejia, national president ng VMLP, mismo ang nag-abot sa kanya ng susi ng multicab.

Ayon kay San Agustin Vice Mayor Zaldy Marin, miyembro ng VMLP, ang bawat rehiyon ay mabibigyan ng isang multicab mula sa VMLP at para sa MIMAROPA, napagkasunduang idaan ito sa isang raffle para malaman kung sinong VM ang mabibigyan nito. Maswerte namang nabunot si Vice Mayor Fabon ng Santa Maria kaya sakanya maibibigay ang multicab.

"Masaya rin kami kasi sa atin sa Romblon napunta [ang multicab], pahayag ni VM Marin sa Romblon News Network.