by Renand Pastor, Romblon News | Thursday, 15 October 2015
Kasado na ang labanang incumbent Mayor Artemio Madrid at Rommel Glori sa pagka-alkalde ng bayan ng Santa Maria ngayong election.
Opisyal nang nagfile ng magkaibang grupo nina Madrid at Glori ngayong araw sa opisina ng Election Officer ng Santa Mari sa opisina ng Commission on Election Municipal Office ng Santa Maria.
Kasamang nagfile ni Madrid, pambato ng Liberal Party, ang kanyang vice mayor na si Dennis Corpin at kanyang mga sanguniang bayan members. Ang pambato naman ng United Nationalist Alliance na si Wellie Dela Vega ang Vice Mayor ni Glori na kasama niya ring nagfile ngayong araw.
Makakalaban rin nina Corpin at Dela Vega si Lorele Fabon na tatakbong independent.
