Concepcion Sur Elementary School, handa na sa pagdating ng mga botante

Written by Renand Pastor | Romblon News

Maaga palang ay nakahanda na para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election ang mga Board of Election Tellers at mga watchers ng iba't ibang botante sa Concepcion Sur Elementary School sa bayan ng Santa Maria, Romblon.

Wala pang alas-6 ng umaga ay nasa paaralan na mga gurong nagsisilbing Board of Election Tellers para ihanda ang buong paaralan ganun rin ang mga gamit na gagamitin ng mga botante katulad ng ballpen.

Alas-7 ngayong araw inaasahang magbubukas ang mga voting precinct sa nasabing paaralan.