
Sugatan ang tatlong pasahero ng isang pampasaherong jeep matapos madulas at mahulog sa isang palayan sa Barangay Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon nitong tanghali.
Ayon sa kundoktor ng pampasaherong jeep, sinubukan umano nilang mag preno ngunit hindi umano ito kumagat dahil sa madulas na kalsada sanhi ng pag-uulan sa lugar hanggang sa mahulog at tumagilid ito.
Sinugod sa Rural Health Center ang tatlo kabilang ang driver ng nasabing jeep.
Apat naman sa mga sakay ng jeep ang nagtamo lamang ng galos.
Ayon sa Santa Maria Municipal Police Station, galing ng bayan ng Odiongan ang nasabing jeep at patungo sanang Santa Maria para maghatid ng pasahero.
Patuloy na pinag-iingat ng kapulisan ang mga motoristang dumadaan sa lugar dahil sa madulas na kalsada.



