
Sabayang nagsagawa ng Coastal Cleanup drive sa mga lugar ng Ferrol at Santa Maria sa Tablas Island nitong Biyernes, September 15, 2017 bilang bahagi ng International Coastal Clean Up Day.
Sa bayan ng Santa Maria, isinagawa ang paglilinis sa 5 Barangay na kinabibilangan ng mga Barangay ng Concepcion Norte, Concepcion Sur, Sto Niño, Bunga, at Paroyhog.
Pinangunahan ito ng Local Government Unit ng Santa Maria, Ilang Barangay Official, Mga guro at estudyante ng Romblon State University Santa Maria Campus at ng Santa Maria National High School, at mga estudyante ng lahat ng Elementary School sa bawat Barangay.
Sa Ferrol naman pinangunahan ang cleanup drive ng Ferrol National High School sa pangunguna ni School Principal Vilma Dahan sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Environment and Natural Resources Romblon.
Layunin ng dalawang cleanup drive na panatilihing malinis ang mga coastal areas ng bawat munisipyo.
{googleads center}
