Ilang lugar sa Tablas Island, binaha dahil sa pag-uulan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Ryanne CalwillPhoto Courtesy: Ryanne Calwill

Binaha ngayong araw ang ilang bayan sa Romblon dahil sa halos tuloy-tuloy na pag-uulan sa probinsya sanhi ng Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ.

Sa bayan ng Santa Maria, Romblon; umapaw ang ilang kanal sa Barangay Concepcion Sur bandang alas-9 kaninang umaga. Nagsimula kasing umulan sa lugar mag-aalas 7 palang habang papasok ang mga estudyante.

Dahil sa pag-apaw ng kanal, ilang barangay road sa lugar ang nalubog sa mala-gutter deep na tubig.

Humupa rin ang baha matapos ang ilang minuto.

Sa Odiongan, Romblon; nalubog rin ang ilang kalsda sa mga Barangay ng Pato-o, Tulay, Bangon, at Anahao kaninang tanghali.

Dahil naman ito sa pag-apaw ng mga ilog at creek sa mga nabanggit na Barangay dahil parin sa pag-uulan. Ilang motorista tuloy na papasok ng town proper ang na-stranded dahil ng tumaas na ang tubig.

Ilang palayan rin na may mga bago pang tanim na palay sa mga nabanggit na barangay ang nalubog rin sa baha.