Thursday, December 08 declared as special non-working holiday in Santa Maria

Written by Renand Pastor | Romblon News

Sa bisa ng isang resolution na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Santa Maria, Romblon; idineklarang special non-working holiday ang araw ng Huwebes, December 08, para sa pagdiriwang ng ika-33rd Founding Anniversary ng bayan.

Dahil dito walang pasok ang lahat ng pampublikong paaralan sa bayan gayun na rin ang trabaho sa government at private agencies.

Kaugnay sa ika-33rd Founding Anniversary ng bayan, magkakaroon rin ng civic parade na magsisimula sa Municipal Hall, Malag-Alag, Sta. Maria, Romblon paikot sa ganap na alas-2 ng hapon.

Inaashang dadalo sa pagdiriwang si Congressman Emmanuel Madrona, at ilan pang matataas na opisyal ng probinsya.