
Isang walang buhay na katawan ng isang lalaki ang nadiskobre ng mga residente at ng mga otororidad ng SItio Ambulong, ManocManoc sa Boracay nitong Miyerkules.
Kinilala ng mga kamag-anak ang bangka nay si Donie Manuel, 49-anyos, residente ng Santa Fe, Romblon at naninirahan sa Boracay para magtrabaho bilang isang construction worker sa Sitio Tulubhan.
Ayon sa isang witness, may isang lalaki umanong nagsabi sa kanya na may pinatay ito at itinapon niya malapit sa kanilang bahay ngunit sinabihan siya na huwag magsusumbong sa mga pulis kung madiskobre nila ang bangkay dahil isusunod sila ng suspek.
Itinuro ng witness ang suspek na si Glemer Escasulatan, 25-anyos, residente ng Capiz at pansamantala ring naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa kapatid ni Manuel, Sabado palang ay hinahanap na nila ang biktima dahil nawala umano ito at hindi pumapasok sa kanyang trabaho.
Isasailalim ng mga kapulisan sa Postmortem Fingerprinting ang bangkay ni Manuel para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga kapulisan si Escasulatan na itinuturong suspek sa pagpatay.



