3-hours brownout in 4 Barangays in Sta. Fe on Wednesday

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 12 October 2015

Inanunsyo ng pamunuan ng Tablas Electric Cooperative Inc. o TIELCO na mawawalan ng kuryente ang apat na barangay sa bayan ng Sta. Fe sa paparating na Miyerkules, October 14.

Ayon sa TIELCO apektado ang mga Barangay ng Magsaysay, Danao Sur, Danao Norte, at Guinbirayan.

Ang nasabing brownout ay dahilan ng isasagawang pag-aayos sa tapping pole sa Sitio Palati sa Barangay Magsaysay sa nasabi ring bayan.

Magsisimula ang bronwout alas-8 at magtatapos ng alas-11 ng umaga.