Wanted sa kasong Attempted Murder sa Santa Fe, arestado sa Cavite

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nalambat ng pulisya sa Cavite ang isang lalaking wanted sa kasong attempted murder sa bayan ng Santa Fe, Romblon na kinilalang si Raffy Magcalayo, 28-anyos.

Naaresto si Magcalayo sa Dasmariñas, Cavite bandang alas-7 ng gabi nitong March 01 ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Francis Rey Manito at Romblon Provincial Intelligence Branch sa pangunguna ni SPO3 Allan Fruelda.

Inaresto si Magcalayo sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82.

Dinala na pabalik ng Santa Fe ang suspek at inaasahang ihaharap sa korte para sa kinakaharap na kaso.