
Naaresto sa Boracay, Aklan ang isang kite boarding instructor na Romblomanon matapos na positibong makuhaan at mabilhan ng iligal na droga kagabi sa Barangay Yapak.
Kinilala ang suspek na si Rodulfo Magay Jr., 28, residente ng Sta. Fe, Romblon at nagtatrabaho sa Boracay bilang isang kite boarding instructor.
Ayon sa Boracay Police, nabilhan umano ng P1,000 halaga ng shabu ang suspek o isang sachet.
Maliban sa marked money at sa isang sachet, nakuhaan rin umano siya ng tatlo pang sachet ng pinaghihinalaang paring shabu.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Boracay Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



