5 katao na kabilang sa Top 10 drug personalities sa Santa Fe, kusang sumuko sa pulisya

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 02 July 2016

Kusang sumuko kahapon ng hapon sa mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station ang 5 katao na kabilang sa top 10 drug personalities ng bayan ng Santa Fe.

Ang mga sumuko ay residente ng Barangay Poblacion, Pandan, at Mat-i.

Ayon sa police report na nakuha ng Romblon News Network, walang pending cases ang mga sumuko kaya sila ay isasailalim sa rehabilitation.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang Santa Fe Municipal Police Station sa mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) kung saan nakakasakop sa mga nasabing tao para sa rehabilitation process.