by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 17 July 2015
sanfernandoMagpapatuloy ngayong araw ang pagseserbisyo ng Mobile Service ng Land Transportation Office Romblon District sa bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island. Nagsimula ang pagiikot ng mobile service noong July 14-15 sa bayan ng Magdiwang at kahapon, July 16 sa bayan ng Cajidiocan.
Itinuloy ngayong linggo ang pag biyahe ng team ng LTO Romblon District sa Sibuyan matapos maantala ng masamang panahon noong mga nakaraang araw.
Layunin ng nasabing Mobile Service na maabot ang mga malalayong lugar sa Romblon na hindi kayang mag-biyahe pa patungong Odiongan para makapag parehistro lamang ng lisensya.
Maaring mag apply at mag re-new ng kanilang mga student permit, at driver license ang mga taga Sibuyan sa nasabing Mobile Service.



