Korean National, nawala matapos mahulog sa ilog sa San Fernando

Written by Joseph Gutierrez | Romblon News

Isang Korean National ang nawala habang naliligo sa Busay Falls, isang sikat na talon sa bayan ng San Fernando, Romblon.

Ayon sa San Fernando Municipal Police Station, tumungo umano ng Busay Falls sa Barangay Pangcalan, San Fernando, Romblon bandang ala-una ng hapon ang korean national na si Jae-Uk Jung, 41, residente ng South Korea kasama ang mga kaibigan para maligo.

Napansin umano ng mga kabigan nila na nawawala na ang kanilang kaibigan bandang alas-2 ng hapon kaya nag report agad sila sa pulisya.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tahan ng San Fernando Municipal Police Station at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon sa mga rescuers, maaring nadulas sa isang bato si Jung habang paakyat ng Busay Falls at nahulog sa ilog.

Pansamantala namang itinigil ang paghahanap sa Korean National ngayong gabi dahil sa kadiliman ng lugar at inaasahang ipagpapatuloy bukas ng umaga.