JUser: :_load: Unable to load user with ID: 850

Illegal na kahoy, nasamsam ng DENR sa San Fernando

by Dash Andres, RomblonNews | Saturday, July 25, 2015

lumber nasamsamlumber nasamsam

Nakuha ng pinagsamang lakas ng Department of Environment and National Resources - Romblon at ng San Fernando Municipal Police Station ang ilang illegal na kahoy sa Sitio Binayaan noong July 13.

Ang nasabing operasyon ay sanhi ng patuloy na pagbabantay ng DENR laban sa mga illegal loggers sa probisnya.

Nakuha sa Sitio ang halos 740 board feet ng illegal na kahoy na wala namang umakong may-ari. Dinala ito ng mga awtoridad sa San Fernando Municipal Police Station para sa imbestigasyon.

Ayon sa pamunuan ng DENR-Romblon, patuloy ang kanilang gagawing pagsugpo sa mga namumutol ng kahoy na walang permiso galing sa opisina.