by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 10 October 2015
Kinumperma ni Ms. Trina Firmalo na muling tatakbo ang kanyang ama na si Governor Eduardo Firmalo sa pagka Gobernador sa papalapit na halalan.
Si Firmalo ay nasa kanyang ikalawang termino na bilang Gobernador ng Probinsya at ikatlong termino kung sakaling palarin sa 2016.
Samantala, wala pa umanong kumpletong line-up ang Liberal Party para sa local election sa probinsya ng Romblon, sinabi ito ni Governor Firmalo ng makausap ng Romblon News.
"Pina-finalyze pa. Bago mag filing (of candidacy) matatapos ito." ayon kay Firmalo.
Sinabi niya rin sa hiwalay na text message na baka October 12 sila maglalabas ng listahan.



