by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 14 October 2015

Naghain na rin ng certicate of candidacy sa Commission on Election Municipal Office sa bayan ng San Andres ang grupo ni incumbent Vice Mayor Rene Mingoa na tatakbong pagka-alkalde ng San Andres ngayong halalan sa ilalim ng Nationalista Party.
Kasama ni Mingoa na tumungo sa COMELEC Municipal Office si Dr. Eveny Galicia-Katalbas na tatakbong bise akalde ni Mingoa at mga tatakbong Sanguniang Bayan members na sina Dinah Fradejas, Cely Gabaldon, Neneng Alladin, PWLR Chair Arlem Silanga, LR Cocoy Mariano at dating Barangay Captain n si Rolando Selos.
Sinabi rin ni Mingoa na may isa silang guest candidate na si incumbent SB member Lrry Guro na hindi nila kasama kanina.
Ayon kay Vice Mayor Mingoa ng makausap ng Romblon News, panahon na umano ng pagbabago sa nasabing bayan.
"Hindi ko kaya ang corruption, People keep talking about it pero walang may lakas ng loob na tumayo. Ginagawa ko to not for myself but for the people of San Andres." pahayag ni Mingoa.
Inaasahan naman na muling tatakbo sa pagka-Alkade ng nasabing bayan si incumbent Mayor Feinald Rovillos sa ilalim ng United Nationalist Alliance.
Ayon naman sa source ng Romblon News, inaasahang huwebes magpa-file ng COC ang grupo ni Mayor Rovillos.



